Tuesday, February 14, 2012

VDAY- 2-14-12



Group date with friends ulit ( Seafoods Island, Northshore Grill @ solenad nuvali)

Noy-Gracey
Albert-Cherry
Louie-Ninya
Arwin-Maan
Mac-Chona
Me-solo.

Nag aya si Maan sa Solenad Nuvali seafoods daw.
Ok gora naman kami after work.
Si Maan nauna na sa Nuvali kasi my shuttle sila dumadaan duon.
Kami tambay muna sa 7-11 para hintayin si Mac at Gracey.
Nahiritan namin si Noy treat us ice cream.
Knowing Noy pahirapan yon.haha
Nung una P50 nilabas niya dinagdagan ni Cherry ng 2.
Chona received samsung galaxy from MaC.
Tuwang tuwa ang Chona. Abot tenga ang ngiti.
Si Maan chocos from Arwin na sinuksok agad sa bag.
Soksok kasi iyon kahit flowers niyuyupi mapagkasya lang sa bag niya.
Nahihiyang magbitbit.
Si Cherry poor daw hubby niya utang muna.
Si Ninya at Gracey ewan if anu receive.
Ako wala, greetings lang from my husband.
Sabi ni Maan kapag siya daw nakareceive ng bouquet of flowers ihahampas daw niya sa kung sino man nagbigay.
Mahal daw kasi ng flowers at mabubulok lang, sayang ang pera.
Waaaaahhh..ganun kami kakuri..
Look at our food before and after. Worth 2,550 na siya good for 10-12 pax.

Nakakamay kami kumain diyan and knowing solenad mga sosyalin mga  tao dun.
May mga group of people staring at us at kami naman deadma kasi ninamnam namin foods.
Ok naman foods masarap din pero ang mas nagpasarap talaga was yong agawan namin habang eat .
Iba talaga kapag madami, mas makulit at mas  masaya.
After nito Contis sana kami, mangro bravo, kaya lang mahaba ang pila.
So we decided 7-11 ulit, ice cream but when we saw the time it was almost 9 so we call it a night.

Monday, February 6, 2012

50kgs...!?!


Target weight, 50kgs.
Since last year this was my target and still my goal for the year.
From 55kgs  to 52kgs not bad.
2kgs more to go and I’m going to hit it.
I should formulate  plans to meet this target but I love to eat, eat and eat whenever my stomach ask for it.
Depriving myself wasn’t include on my vocabulary.
Before I got pregnant on my first baby I was 44kgs-46kgs? I’m not sure anymore.
Maximum weight I hit during pregnancy was 60kgs.
Sabi ni Melvin kasing katawan ko na daw Tita ko.
Hmmm, sabi ko naman sa pics lang iyon..haha..(in denial)
He’ll be home by last quarter of the year so I still have a couple of months.

Thursday, October 27, 2011

end of october


I’ll be home tomorrow sa lupang tinubuan.
These past few weeks nanamlay at nalulungkot ako.
39 days ko na kasi di nakikita mga anak ko.
Miss ko na the way they call me ‘mommy’.
Although everyday nagkakausap kami sa fone kulang pa rin.
By Sunday punta kami ng mall, bibili ako ng madaming token.
Pagsasawahin ko sila sa arcade.hehe

Palagi na lang daw nag aaway magkapatid.
Kawawa  si kuya Judo  kay Betot.
Palagi na lang  nanapak at nanabunot si Betot.
Siyempre ang kuya bawal gumanti kaya puro iyak na lang.
 Palagi na lang niya inaagaw anuman meron si kuya.

Naiinis ako sa Papa nila now.
Kahit di kami okey maaga pa rin siya nagremit.
Atleast di niya dinadamay obligation niya samin kahit hindi kami magkasundo minsan.
Wala naman perpektong pagsasama kaya eto from time to time kahit wala siya dito meron din kaunting awayan.
11 months to go uuwi na siya.
Less than a year na lang iyon.
Kaunting tiis na lang.


Wednesday, October 19, 2011

-BAHAY NI AUNTIE-


Ang bahay ni auntie ay nasa likod lang ng house ni lola.
Sa left side ng house ay mga puno ng caimito,santol,mangga, kamatsile at bayabas.
Di na nalilinisan ang part na iyon at madami ng tuyong dahon.
Sa right side at likod naman ay bahay din ng mga iba ko pang auntie.
Mula ng mag abroad si auntie 3 years ago ay wala ng tumira sa house niya.
Iniilawan pero madalang na lang kung may matulog.
This school year first year high school na ang panganay niya at kasama ng tita kong tito
silang dalawa na ang natutulog sa house tuwing gabi.
Sa araw kina lola sila nakatira.
One night solo lang si cousin sa house  at matutulog na sana siya.
May nararamdaman siyang palakad lakad sa room niya.
Ang ginawa niya nilakasan niya electric fan sakaling maitaboy ng hangin ang palakad lakad na hindi  niya nakikita.
Pero nung mahihiga na siya may nakita siyang paa,
nangingitim na mga kuko at may tumutulong dugo.
After a couple of minutes dumating na si tita na tito at nakita si cousin nasa isang sulok, nanginginig at umiiyak.
Sabi ni tita na tito, “ ano nakita mo?”
Sabi naman ni cousin wala.
“Eh bakit ganiyan ka? Sige na sabihin mo na. Hindi naman tayo aalis dito. Matutulog pa rin tayo dito kahit ano pa man iyang nakita mo.” Pamimilit ni tita na tito kasi may idea na rin siya bakit ganun si cousin.
“Yon nga may nakita ako na paa na magkadikit, nangingitim na mga kuko at may umaagos na dugo.”sabi ni cousin.
“Ha?, Eh ano pa ginagawa mo? Tara na takbo na tayo.” Sabay karipas ng takbo ng dalawa papunta sa bahay ni lola.
mula nuon hindi na sila natulog sa house na iyon.
Kina lola na sila ulit.
Sabi nila minsan kahit may ilaw kung anu-ano na pala naririnig nila sa house na iyon.
Minsan naririnig nilang tumaob yong cabinet at may mga nababasag na salamin pero sa umaga wala
naman kahit anong bakas. Nararamdaman din pala ng mga kapitbahay na may palakad lakad talaga duon sa loob ng house tuwing gabi kahit walang nakatira.

Tuesday, October 18, 2011

Goddess of The Shit

I know you feel like a goddess.
Yeah, a goddess of the shit.
You made a world full of shits.
Spare us from your spell.

Every day I see you as a shit.
I Know it’s bad but I can’t control.
Every time you pout it irks me.
You always wind me up.

Why not leave goddess of the shit?
Why still holding your throne?
It rankles me every time you flatter yourself
A conceited goddess of the shit.